Suspendido pa rin ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan (pampubliko at pribado) sa Plaridel, Bulacan bukas, Hulyo 25, 2025, alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla, dulot pa rin ng epekto ng #DantePH at #EmongPH.
📚 Wala ring online o alternative learning modalities na isasagawa.
🏢 Kanselado rin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, maliban sa mga essential services gaya ng MDRRMO, rescue, peace and order, at health services.
🏭 Ang pasok sa mga pribadong kumpanya ay nakadepende sa desisyon ng kanilang pamunuan.
💬 Maging alerto, mag-ingat, at patuloy na sumubaybay sa opisyal na impormasyon.
📲 I-follow ang Mayor Jocell Vistan Facebook Page para sa real-time na updates.
#WalangPasok
#MayorAteJocellVistan
#StaySafePlaridel