Menu
Philippine Standard Time:
DOST-PAGASA
Transparency
FOI
Bagong Pilipinas

Plaridel, Nagkamit Muli ng Tagumpay!

Katatapos lamang makamit ng Bayan ng Plaridel, Bulacan ang tagumpay sa National SubayBAYANI Award 2024, pinarangalan na naman ang ating bayan ng DILG para sa “𝗜𝗱𝗲𝗮𝗹 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲𝘀 (𝗟𝗣𝗠𝗖𝘀) 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁” ng 𝗟𝗨𝗡𝗔𝗥𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰.
 
Ang rekognisyong ito ay patunay na ang munisipalidad ng Plaridel ay nagpakita ng di matatawarang husay at epektibong pamamahala, pagmomonitor at implementasyon ng mga lokal na proyektong imprastraktura sa ating bayan.
 
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jocell Vistan-Casaje, siguradong ang Plaridel ay Diretso sa Progreso! Kaya tuloy-tuloy pang magliliwanag at puno ng pag-asa ang kinabukasan ng ating munisipalidad tungo sa mas progresibo at mas pinalakas na Dakilang Bayan ng Plaridel!
Mabuhay ang Plaridelenyo,
Mabuhay ang Plaridel!