Menu
Philippine Standard Time:
DOST-PAGASA
Transparency
FOI
Bagong Pilipinas

Plaridel, Bulacan 8th Time SGLG Awardee!

𝐏𝐋𝐀𝐑𝐈𝐃𝐄𝐋, 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍 𝟖𝐭𝐡 𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐒𝐆𝐋𝐆 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄!!! Sa ika-walong (😎 pagkakataon, muling naiuwi ng ating lokal na pamahalaan ang prestihiyosong 𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅 na iginawad ngayong ika-10 ng Disyembre, 2024. Ito ay ating nakamit sa mahusay na pamumuno ng Ina ng ating Bayan, 𝐈𝐠𝐠. 𝐉𝐎𝐂𝐄𝐋𝐋 𝐕𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍-𝐂𝐀𝐒𝐀𝐉𝐄. 🏆🏆🏆🏆🏆🏆🏆🏆🎉👏
Ang Bayan ng Plaridel ay walong taon na sunod-sunod na nakapasa sa pamantayan ng SGLG. Patunay lamang ito ng ating mabuti at tapat na pamamahala para sa maayos na serbisyong pampubliko.
Ang Seal of Good Local Governance Award ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Muli, suportahan natin ang mga proyekto at programa ng ating lokal na pamahalaan upang Plaridel, Diretso sa Progreso!
Mabuhay ang bawat Plaridelenyo,
Mabuhay ang Dakilang Bayan ng Plaridel!