Menu
Philippine Standard Time:

Plaridel, Outstanding LGU YAKAP Champion!

Isang karangalan para sa ating bayan ang pagkilala mula sa PhilHealth Region III bilang Outstanding LGU YAKAP Champion sa ginanap na PhilHealth Region III Stakeholders’ Day – Central Luzon Appreciation of Partners (CLAP) Season 2 ngayong November 18, 2026, sa New Royce Hotel, Clarkfield, Pampanga.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng mahalagang ugnayan at pagtutulungan ng ating Pamahalaang Bayan at PhilHealth sa pagsusulong ng mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Plarideleño.

Maraming salamat po sa PhilHealth Region III sa pagkilalang ito, at sa lahat ng kawani at katuwang na patuloy na nagsisikap upang mas mailapit ang mga programang pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Patuloy nating isusulong ang serbisyong pangkalusugang may malasakit, dahil ang kalusugan ng bawat Plarideleño ay mahalaga! ❤️

#OutstandingLGUYAKAPChampion
#PhilHealthRegionIII
#YAKAP
#PlaridelBulacan