Ang Bayan ng Plaridel ay nakikiisa sa makulay na pagdiriwang ng Singkaban Festival 2025 na may temang “Sining at Kalinangan ng Bulacan, Pamanang Babalik-Balikan!”
Sa kapistahang ito, ay ating pinahahalagahan at ipagmamalaki ang yaman ng ating sining, kultura, at tradisyon, mga pamana na patuloy na nagbibigay-buhay at kulay sa ating kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.